Ang Pandacan Service Center for Street Children ay isang organisasyon na naglalayong pangalagaan ang mga kabataan ng Pandacan. Ang ilan sa mga programa nito ay:
1) Workshops para sa mga batang edad tatlo hanging anim na taon. Sa workshops na mga ito, tinuturuan ang mga bata na magdasal, magbasa at magsulat.
2) Livelihood programs para sa mga batang edad walo hangang labinlimang taon. Sa programs na mga ito, tinuturuan ang mga bata na gumawa ng mga Christmas cards at manahi ng basahan.
Tumatakbo ang Center sa pamamagitan ng samahan ng mga Kababaihan sa Pandacan. Ang samahan na ito ay nagsisilbing nanay sa mga bata. Sila ang nangangasiwa sa pagpapatupad ng mga workshops at livelihood programs. Sila din ang nagsusumikap kumalap ng mga pondo upang mapanatiling bukas ang Center.
Sa Paskong ito, humihingi ang Center ng tulong sa atin upang maibenta nila ang mga Christmas cards na nagawa nila. Ang halaga ng bawat isang Christmas card ay bente pesos (Php 20).
Kung nais niyong bumili, maari lamang na i-text o tawagan niyo ang numerong ito, 0906.492.4438.
Maligayang Pasko!
Ang Inyong SC 08
P.S. Kung nais niyo pang makatulong sa iba pang paraan, i-text o tawagan niyo na lang din ang numerong nabanggit sa itaas.